Ang Barya. Bow.

image

Tinatamad ako magluto so I thought, kakain na lang ako sa favorite carinderia ko (Katvanria Eatery) katapat ng condo.

I thought of bringing 300 para 100 sa food ko (2 ulam + rice + Sprite) and bibili na rin ako ng 100 Smart at 100 Globe load.

A voice in my head told me to bring coins. Ayoko kasi mabigat. Pero makulit ang voice. So I brought a handful of coins. Naiirita pa nga ako kasi ang bigat ng bulsa ko tuloy. Hehe. Maarte na. Pasensya na.

Pagdating ko sa Katvanria, nandun si Aldo kumakain rin. Siya yung janitor sa building namin na mabait at magalang. Sabi nung voice in my head, bayaran ko ang lunch ni Aldo. Nag-alangan ako kasi 300 + coins lang pera ko. Eh may bibilhin pa nga akong load diba. Tapos mukhang gutom siya at maraming kinain may Sting pa syang iniinom. Hindi kasya ang anda kong dala malamang.

Pero naisip ko, bahala na. Babalik na lang ako sa bahay to get more cash then alis uli  mamaya para bumili ng load. Hassle. Katamad maglakad pero okay lang. Minsan ko lang naman ma-treat si Aldo.

So sinabi ko na kay Aldo na ako bahala sa lunch niya at nagpasalamat naman siya. In fairness ang saya saya ng itsura niya. Obvious na hindi niya inexpect na maililibre siya today.

Pagtapos ko kumain, pumunta ako sa 7-11 para bumili ng Smart 100.

Pagdating ko sa counter, na-realize ko na nagdala nga pala ako ng mga barya. Agad kong binilang at pwede pang pambili ng Globe 100!!!

Salamat na lang at nakinig ako sa voice in my head na dalhin ‘yon. Alam ko naman si God ‘yon. Wala nang ibang magsasabi pa sa akin to bless another person kung hindi si God lang. Trust Him and He will surely take care of your needs, sabi nga.

I know simple at parang mababaw lang ang istoryang ito pero gusto ko lang i-share. God works even in the simplest, most babaw areas of our lives kasi.

May extra pa ako na barya. Ipapambili ko sana ng yema. Pero okay na. Busog na ako. :) Blessed and full. :)

// listening to the sound of my mint green electric fan