How to Make Your Instant Pancit Canton Yummier

…and more fattening! :p

I know that there are so many ways on how to make this noodle staple more delicious, pero ito ang favorite ko because ito ang kinakain namin noong college kami kapag tipid moments pero gusto naming maiba. Favorite namin ito ka-partner ng FiveBux coffee (as in limang pisong instant na kape) o ng Coke na malamig na malamig!

Madaling-madali lang ito. You can do this even with your eyes closed! Pero ‘wag. Baka masunog ang bahay.

image

Shempre, choose your favorite instant pancit canton. Basta ako, Lucky Me! lang at wala ng iba. This works well with the orig flavor and the sweet & spicy.

1. Of course, lutuin ang noodles. ‘Wag sobrang luto kasi ibabalik mo pa ito sa pan mamaya.

2. Drain. ‘Wag super drained na drained para maganda ang kapit ng mga ilalagay mo pang ingredients.

3. Ibalik sa pan at ilagay ang seasonings na kasama sa pack at samahan ng butter. One tablespoon is enough pero ikaw, bahala ka kung bet mo na mas marami. Health mo ‘yan. Cholesterol level mo ‘yan.

4. Haluin ang mga nasa pan at maghalo ng isang beaten egg. May nagtanong sa akin dati kung pwedeng itlog ng itik ang ilagay. Uhmmm… Pwede naman pero parang yuck. Mas bagay ang itlog itik na panggawa ng leche flan.

5. Lagyan ng secret ingredient na hindi na secret (Duh) … Ang Spanish Paprika. Mga 1/4 teaspoon, swak na. Mix well and serve.

image

Serve with coffee or Coke, pero dahil naiirita ako kay Bagyong Maring at parang bagay sa mood ko ngayon, beer na lang.

// listening to Soft Cell – Tainted Love

Advertisements

13 thoughts on “How to Make Your Instant Pancit Canton Yummier

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s