Ang Say Ko Sa Starting Over Again

image

Hindi ako fan nila Piolo at Toni kaya nanood ako. Nagagalingan ako sa kanila, pero hindi talaga ako fan. In fact, first time yata ako nagbayad para sa movie nila. Saktong may pinagdadaanan lang ako noong panahon na nakita ko ang trailer kaya nagkaron ako ng interes manood. At saka crush ko si Iza Calzado. Gandang-ganda at nagagalingan talaga ako sa kanya.

Lumabas na sa takilya ang Starting Over Again at napuno ang newsfeed ko ng mga linya na mula sa pelikula tulad ng, “I need an explanation. I need an acceptable reason.” at ‘yung “Yang hope na ‘yan lason ‘yan. Lumaklak ka kasi ng realidad.” Medyo nasuya na ako dahil  diyan kaya Robocop na nga lang sana ang gusto ko panoorin, pero dahil napag-usapan na namin ng kaibigan ko na Starting Over Again ang papanoorin namin, eh ‘di sige. Game. 

I prepared myself na hindi nito mae-exceed ang ganda (at sakit) ng Once More Chance. Hinanda ko rin ang sarili ko na malamang magki-cringe ako sa love scenes nila Toni at Piolo. Feeling ko lang kasi, hindi sila bagay. I will just leave it at that. Bahala ka na mag-isip what it means.

Tinutukan ko from start to end ang movie. In fairness, walang kahit isang eksena ang pinaantok ako. Bet na bet ko ‘yung tossing and turning si Ginny na parang sira ulo sa kama. Bet na bet ko, kasi siguro, relate na relate ako. At ‘yung eksena na tinatanong niya si Marco at puro NO ang sagot ni Marco, pakkshet. Dinala ako noon sa isang moment sa buhay ko na halos kaparehas.

One word: Closure.

Two words: Fucking Closure.

Anyway…

Mas nagagandahan pa rin ako sa Once More Chance. Suguro kasi, nawasak talaga ni Basha ang puso ko (at malamang, ang puso mo rin) noong gusto niyang balikan siya ni Popoy. Pero noong pinanood ko ang One More Chance, mas can relate ako sa character ni Maja. Si Maja na ang pangalan ng kanyang character ay never na tumatak sa memorya ko.

Mas nagandahan ako sa One More Chance PERO MAS NA-MOVE ako sa Starting Over Again. Siguro mas nakaka-relate ako sa pagiging loka-loka ni Ginny, pagiging parang confused ni Marco, at pagiging martir at matatag ni Patti. Hindi naman ako napaiyak ng SOA, pero may mga eksena talaga na nagpahirap sa akin huminga. o kumuha ng blade at maglaslas on the spot. Pero masyadong hassle ‘yon, kaya nagyaya na lang ako ng inuman after namin manood.

Mas gusto ko rin ang supporting cast ng Starting Over Again kaysa sa One More Chance. Kudos to Iza Calzado who delivered the best lines. And si Lito Pimentel, ang galing pala niya ha. ‘Yung chubby na friend ni Ginny, ayoko sa kanya dati lalo na doon sa Ang Babae Sa Septic Tank, pero na-appreciate ko siya dito.

Natutuwa ako na hindi kagaya ng usual Pinoy movie endings ang ginawa nila dito, pero nandoon pa rin ang element ng pakilig na pa-cute. Okay lang, kasi kinilig naman ako at na-cute-an. Good job, Star Cinema. Hindi ko maisip na mananalo ito ng mga matitinding film awards pero wagi naman  ito sa puso ng napakaraming manonood.

Isa pa, may mga importanteng bagay ang pinaalala sa akin nito. Una, kapag may gusto dapat sinasabi at hindi dapat hinihintay ng ilang taon bago sabihin at baka sa wala mapunta. Ikalawa, ipaglaban ang bagay na gusto pero matutong sumuko kapag hindi na talaga para sa iyo at baka ego mo na lang ang gustong manalo, hindi ang puso mo.

Sabi nga ni Boy Abunda sa Buzz ng Bayan, itong Starting Over Again ay tipo ng pelikula na papanoorin mo nang paulit-ulit. Eksaherada naman iyong comment niya, pero I admit, papanoorin ko ito uli. Malamang, isang beses pa. Medyo masokista kasi ako.

// listening to Mango – Disappear

Advertisements

2 thoughts on “Ang Say Ko Sa Starting Over Again

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s