Utang

image

Naiintindihan ko kung bakit nagtatago ang mga tao na may utang kapag sinisingil sila. Malamang kasi wala pa silang pambayad. Nahihiya sila. Mas nakakahiya nga lang ‘yung pagtatago kaysa aminin nang harapan na wala pang pambayad.

Ang hindi ko talaga maintindihan ay ‘yung mga taong sila pa ang galit kapag sinisingil sila. Sila na nga ang pinahiram, sila pa ang pakiramdam na inaapi kapag kinukuha mo na ang bagay na hindi naman talaga sa kanila. Utang ‘yan. Hindi bigay.

Pakiramdam ba nila ang pagpapaalala na magbayad na sila ay katumbas na na pinapamukha sa kanila ang utang nila? Magkaiba ‘yon. Iba siguro talaga ang andar ng utak ng abusado. Kasi kung matino silang tao, hindi nila dapat nakakalimutan na may utang sila. Dapat alisto sila sa kung kailan sila dapat magbayad.

Sana naaalala rin nila na baka may paggamitan ang tao na nagpahiram sa kanila. Lalo pa, sana maalala nila na pinagkatiwalaan sila na ibabalik nila ang bagay na inutang nila. Hindi naman ‘yan pera-pera lang. Pagkakaroon ng isang salita rin ang nakasalalay dito.

Ang utang ay utang. Binabayaran. Hindi kinakalimutan. Hindi tinatakbuhan.

// listening to nothing

Advertisements

2 thoughts on “Utang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s