JNap and PNoy

image

Jeane Napoles, hindi kita jina-judge dahil may pic kayo ni PNoy. Sang-ayon naman ako sa Malacanang na normal lang na magpapicture ang mga tao kasama ang presidente. Bilib ako sa iyo na napagbigyan ka ng mga PSG na makalapit sa kanya. It must be your winning smile. Ako kasi dati, nung nagpa-picture ako with Kabayang Noli De Castro na Vice Presicent pa noon, eh hinarangan ako ng mga guards bago ako makalapit. The organizers of the event had to tell them na isa ako sa mga exhibitors at gusto ko lang magpa-pikpak para sa blog ko. Naalala ko pa ang reaction ni Kabayan. Ano daw ‘yung blog. Hihihi. :p

Anyway, Miss Jeane, mabalik tayo sa iyo. I repeat, I am not judging you because of your photo with PNoy. Kebs ko rin na nasa sosyalan kayo sa Cebu. Eh sosyal ka eh. Ganyan talaga. Ako kasi, tanggap ko namang hindi ako sosyal. Social climber siguro minsan. Wehehe! At saka, nakapunta naman na ako ng Cebu, kaya keber rin doon. At shempre pa, wala rin naman ako balak magpalitrato kasama ng pangulo kasi hindi naman niya ako fan.

Jina-judge kita dahil may pic kayo ni Justin Bieber. May issue ako dito dahil una… napunta ang tax ko sa kasosyalan mo sa Hollywood or wherever your pic with the Biebz was taken? Eh ako nga Cebu na pinakamalayo kong narating. At ikalawa… YUCK.

‘Yun lang po. Exit na ako. Gotta go to the office para kumayod. Hindi kasi ako saksakan ng pinagpalang nilalang na pikpakan with the high and mighty lang ang ganap on a normal day.

// listening to Weed – Long Hair

Advertisements

4 thoughts on “JNap and PNoy

  1. :) Natawa ako sa post mo. Thanks for making my morning brighter.

    Super nakaka-relate din ako kay Jeane, kasi gawain ko rin maging social climber pag may time. Yon nga lang never ko nakita ng up-close and personal si Pnoy … at kahit si Justin Bieber. Wow! Lintek na picture yan! Kumulo ang dugo ko dahil sa baby pink Herve Leger pala napupunta ang taxes ko, at all the while I thought sa conditional cash transfer sya inilalaan.

    Anyway, in fairness kay Kim Henares at sa BIR, sinampahan na nila ng tax evasion case si Janet at si Mang Jimmy. Sana may mangyari sa kaso (wish!).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s