Mang Larry’s Isawan – UP Diliman

After our late lunch at Mang Jimmy’s, I brought Jan to some Peyups spots that are frequented by visitors. Unang-una na dito shempre ang Oblation. Ito na yata ang ultimate turista (at feeling turista, like me) photo op spot sa campus. First time ko makapagpa-solo picture dito that day. Ipapa-print ko at ipapa-frame. LOL

Pumunta rin kami sa Vargas Museum, where I attended painting classes almost 9 years ago. Pumasok rin kami sa Benitez Hall, where I took up M.A. in Educational Psychology from 2004 to 2007.

manglarrys1

I was supposed to bring her to Sunken Garden and to the Lagoon but it started to rain. Ang chaka naman maglakad doon na putik-putik na. Lalo na may mga “foreign objects” pang baka matapakan namin. Hulaan kung ano ang tinutukoy ko. *evil, malicious laugh*

So after walking three-quearters of the Acad Oval, we refueled at Mang Larry’s. Wala na yatang mas legendary pang isawan sa Pilipinas kaysa dito. Kung taga-UP ka at hindi ka pa nakakakain dito, there must be something wrong with you. I’m kidding! (I’m not!)

manglarrys2

I was there last 2011 with Yo and Zo. Jan and I went to Kalay first and I was shocked to find out that Mang Larry’s cart isn’t there anymore. Pinagtanong namin and nasa likod na daw ng Law, sa tapat ng IC. *whew* Buti na lang, nagtransfer lang. Ang laking pagkapahiya ko sa tinu-tour ko kung wala na doon ang Mang Larry’s!!!

Pagdating namin sa bagong pwesto, nagulat ako na hindi na pipitsuging cart ang tindahan ni Mang Larry. Sementado na. Asenso na si Mang Larry! Sabi nga nila, NAKAKAGINHAWA NA! Wahahaha! Kahit na maulan noong hapon na iyon, ang dami pa ring mga kotseng nakaparada. Ang dami pa ring mga taong nakapila.

manglarrys3

Merong ring 2-3 other isaw stalls pero nilalangaw lang naman sila kasi lahat at nagkukumpulan sa pwesto ni Mang Larry. May 2-4 grills na si Mang Larry. At meron pang umiilaw-ilaw na menu board or whatever that’s called. Sayang, wala si Mang Larry that nung nagpunta kami ni Jan. Baka nagbabakasyon. Sa Europe. Hehehe.

For the benefit of those who do not know what an isaw is… it’s pork or chicken intestine skewered and grilled until golden brown. Your other yumyum choices are goto (large intestines), tainga (ear), balat (skin), pork barbeque, etc. Price range: 3-10php. At ‘wag ka. Nagbebenta na rin sila ng liempo at siomai. Grabe. Hindi na talaga ma-reach! :p

manglarrys4

There are blue jugs that contain the sawsawan– semi-sweet vinegar, the other spiced vinegar. They provide small plastic cups beside the jugs that you can fill with the dipping sauce of your choice. Do not be like my ex who said upon seeing the jugs, “Wow! may libreng iced tea sila?” Harhar.

Hindi ako fan ng sawsawan dito. Mas gusto ko kasi mas maasim na suka at mas maraming sili. And sa totoo lang, I am a fan of Mang Larry’s Isawan not because of the food but the memories that I have from my years spent in UP. Masarap ang isaw dito pero ang the best pa rin para sa akin eh yung doon sa may palengke sa Phase 1 sa BF Homes Paranaque. :) (Sorry, Mang Larry to break your heart. Pogi ka pa rin naman kahit hindi ikaw ang peyborit ko.)

manglarrys5

Despite not being the best isawan in my book, Mang Larry’s will always one of my fave places to visit in UP. It’s also in my Top 3 places to bring my friends that I tour around the campus. Hindi pwedeng dalhin ko sila sa Peyups at hindi ko sila pa-experience-in ng isaw + dirty ice cream super win combo ko!

Asenso na rin si Mamang Sorbetero. Malalaking sugar cones na ang meron siya. Hindi na yung mga apa na dalawang kagat mo lang, ubos na. The flavors available that aftee were mango, avocado and cheese. Jan and I had the big sugar cones with avocado and cheese (25php each).

manglarrys6

Paalala: huwag pong ipa-experience sa mga kaibigan niyo ang isaw + dirty ice cream super win combo ko kung maarte ang mga tiyan nila. Para lamang po ito sa mga may sikmurang matitibay. :D

Mang Larry’s Isawan “The Famnous Isawan in UP Campus”
In Front of International Center
University of the Philippines – Diliman
0917-3850432, 02-4337469
Open from afternoon to early evening

manglarrys7

If you wanna read my entry about Mang Larry’s Isawan last 2011, click on this link:
http://psychosomaticaddictinsane.wordpress.com/2011/02/15/famousisawanatupcampusqc/

// listening to Eraserheads – Ligaya

Advertisements

7 thoughts on “Mang Larry’s Isawan – UP Diliman

  1. I havent been to UP in more than 10 years! This entry makes me want to visit this weekend! Buti na lang sinabi mo na wala na sa kalayaan kasi tamad ako maghanap. Iisipin ko na lang baka nawala siya at nag-open na ng stall sa mall.

  2. Pingback: Takaw Trip – Chocolate Kiss | IYA-IYA-YO!

  3. Pingback: Tokyo Trip – Tsukiji Fish Market | IYA-IYA-YO! | FOODIE AND TAKAW

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s